Friday, June 11, 2010
palaging ganito ang buhay ko..
siguro nga makasarili ako. mataas ang pride ko na minsan hindi ko na kayang abutin pa.
mali yung mga katwiran ko sa buhay minsan. mali yung mga pinapaniwalaan ko o kaya naman
yung mga gusto kong paniwalaan.
sabihin mo, may makakaintindi ba sa'kin?
lahat ng pagtatago at pagkukunwari, lahat yun, may makakaintindi ba?
hindi ko inaasahan na maintindihan ako ng kung sino. hindi pa man nawalan na ko ng pag- asa pang isiping
may makakaintindi sa' kin..
okay lang. masaya din naman ako sa ganito pero hanggang kelan? hanggang kelan ako makukuntento sa ganito?
kung palagi din namang ganun yung nangyayari?
hindi kita sinisisi. kahit kelan walang pagsising sumagi sa isip ko ng pagpasyahan kong maging ganito ang lahat.
siguro nga mali. mali talaga. mali sayo. mali sa'kin. mali sa kanila. mali sa Kanya.
pero wala e. hindi ko rin alam kung bakit nagkaganito. siguro nga matigas lang talaga ang mga ulo natin.
natatawa tuloy ako ngayon nang maalala kong minsan, naisip kong baka tinutulungan Niya tayo kaya tayo umabot sa ganito. nakakatawa talagang isipin at maisip yon.
wala na nga siguro ako sa katinuan. lahat ng hindi pwede, ginagawang pwede.
eto na ba talaga yung huli? magiging makasarili pa rin ba ko? o tatanggapin ko na lang na ganito na lang talaga tayo? [ugh. sabagay. wala naman nga palang TAYO]
lies.a.beach at 10:58 AM