Wednesday, June 2, 2010

isang gabi sa MOA..

dahil wala na akong pasok ng mga panahong yun, malakas ang loob kong mag- ayang gumala.
MOA kame ni bespren that time, anung oras na nasa apartment pa din kame.
hindi namin alam kung pano kami makakarating ng maayos dun sa mall.
madaming options, magLRT daw, magjip, mgfx, at mgtaxi (buhay mayaman kasi kami kung minsan)
kaya ayon, tinext ko si kat. wala naman masamang magtanong di ba. sabi niya baba daw kami sa gil puyat.
station ng LRT. kaya ayun, larga na kame ni bespren.
nag- fx kame papunta dun. sabi niya, "hoy. ikaw may alam kung saan yung gil puyat ah."
kunwari di ko narinig: "oo, makikita naman natin yung signage na nandun na tayo."
mejo mahabang byahe. nadaanan namen yung quiapo, tapos sm manila, yung up manila, dlsu
tapos nagtanong si kuya driver, "san ba kayo?"
kame: san po ba yung sakayan papunta sa MOA?
naku, isnag station pa yun, hanggang dito na lang ako e.
so ayun, bumaba kami at nagjeep na lang..
Buendia na kami. buti naalala ko yung mga multicab na nakikita namin nun pag umuuwi kami galing sa Batangas. sa wakas, nakita namin yung mga cab, nakahinga kami ng maluwag. hahaha. "yesss!hindi tayo nawala. makakarating tayo dun."

pagdating dun, syempre kainan agad ang hinanap namin.
at dahil naglinis si bespren at naglaba ng mga damit namin nung araw na yon (tama nga ba?)
ililibre ko sya ng dinner.
hanap kami ng hanap kung saan ba pedeng kumain.
"ayoko na sa mcdo ah." "ayoko din sa jobee." "tokyo na naman? iba na lang." "tara try natin sa gerry's"
"sa wendy's?" "sa BK?"
ilang beses na yata naming naikot yung place ng mga kainan, wala pa din kame mapagdecide- an kung saan.
kaya sige. go na lang sa teriyaki boy. hahaha. sosi yung place. sosi para samen kasi hindi kami sanay sa ganun.hahaha
nagulat kami sa prices ng food, haha. muka kasing di masarap tapos ang mahal naman.
dapat aalis na kame, e nakakahiya naman. kaya ayun. sige order na..
natapos kumain, hindi talaga kami nasatisfy. walang lasa yung inorder ko at hindi masarap yung apple sauce ek ek niya. 
ayun. hahaha. full of regrets pero okay na din at leat natry na namin dun, en we swear na hindi na kami uulit pa. haha

pasyal pasyal muna kami after nun.
tapos hinanap namin yung Haagen Dazs store na nakita namin nung naghahanap kami ng kakainan.
buti hindi pa sya sarado nun.haha
mabait si gay2 (bespren ko :) kaya nilibre nya ko ng ice cream :)
firts time namin parehas yun at sana maulit pa. hahaha
so expensive nman kasi niya for an ice cream. hahaha. pero okay lang sulit naman kasi masarap :)
ayan. kamay namin yan. haha. cute no? parehas pa kami ng watch :))
gift niya sakin nung 18th ko :)
ako yung nasa left, halatang ang takaw ko sa ice cream. hahaha
*THANK YOU BESPREN! SA UULITIN! :)*








after kumain, tambay muna sa seaside. sbi namen umaga na kmi uuwi. haha ayun. 
at dahil nanghihinayang pa din sya sa kinain namen, sana daw nagpizza na lang kami tapos dun na lang namin kinain sa seaside. hahaha. sabi ko next time na lang namin gawin :))

masaya kami nun. haha. hindi nga lang ganun kadami yung pictures dahil nalowbat yung camera. ampp
sayang.!! pero may nakuha padin naman kaming shots na magaganda :)







naglaro laro din kame dun sa playground. haha. *kids at heart*







hahaha. nahihiya pa kami pumose nung una. madami kasi tao. pero sabi namen, okay lang yun. hindi naman nila kami kilala. haha :)







hahaha.so saya. haha.sana maulit pa ulit. hmm. kahit magiging busy na kami this coming months, sana talaga maulit pa din :)) 




lies.a.beach at 10:49 AM