Friday, June 11, 2010
this would be the last..
oo. last na nga siguro talaga. hay. panu na naman ako magsisimula ng ganito? akala ko pa naman okay na lahat. pero hindi pala. sabagay, hindi naman talaga magiging okay kasi nga hindi naman pwede. hinding hindi mangyayari.. ayun.. bahala na..
lies.a.beach at 10:47 PM
palaging ganito ang buhay ko..
siguro nga makasarili ako. mataas ang pride ko na minsan hindi ko na kayang abutin pa.
mali yung mga katwiran ko sa buhay minsan. mali yung mga pinapaniwalaan ko o kaya naman
yung mga gusto kong paniwalaan.
sabihin mo, may makakaintindi ba sa'kin?
lahat ng pagtatago at pagkukunwari, lahat yun, may makakaintindi ba?
hindi ko inaasahan na maintindihan ako ng kung sino. hindi pa man nawalan na ko ng pag- asa pang isiping
may makakaintindi sa' kin..
okay lang. masaya din naman ako sa ganito pero hanggang kelan? hanggang kelan ako makukuntento sa ganito?
kung palagi din namang ganun yung nangyayari?
hindi kita sinisisi. kahit kelan walang pagsising sumagi sa isip ko ng pagpasyahan kong maging ganito ang lahat.
siguro nga mali. mali talaga. mali sayo. mali sa'kin. mali sa kanila. mali sa Kanya.
pero wala e. hindi ko rin alam kung bakit nagkaganito. siguro nga matigas lang talaga ang mga ulo natin.
natatawa tuloy ako ngayon nang maalala kong minsan, naisip kong baka tinutulungan Niya tayo kaya tayo umabot sa ganito. nakakatawa talagang isipin at maisip yon.
wala na nga siguro ako sa katinuan. lahat ng hindi pwede, ginagawang pwede.
eto na ba talaga yung huli? magiging makasarili pa rin ba ko? o tatanggapin ko na lang na ganito na lang talaga tayo? [ugh. sabagay. wala naman nga palang TAYO]
lies.a.beach at 10:58 AM
Wednesday, June 2, 2010
isang gabi sa MOA..
dahil wala na akong pasok ng mga panahong yun, malakas ang loob kong mag- ayang gumala.
MOA kame ni bespren that time, anung oras na nasa apartment pa din kame.
hindi namin alam kung pano kami makakarating ng maayos dun sa mall.
madaming options, magLRT daw, magjip, mgfx, at mgtaxi (buhay mayaman kasi kami kung minsan)
kaya ayon, tinext ko si kat. wala naman masamang magtanong di ba. sabi niya baba daw kami sa gil puyat.
station ng LRT. kaya ayun, larga na kame ni bespren.
nag- fx kame papunta dun. sabi niya, "hoy. ikaw may alam kung saan yung gil puyat ah."
kunwari di ko narinig: "oo, makikita naman natin yung signage na nandun na tayo."
mejo mahabang byahe. nadaanan namen yung quiapo, tapos sm manila, yung up manila, dlsu
tapos nagtanong si kuya driver, "san ba kayo?"
kame: san po ba yung sakayan papunta sa MOA?
naku, isnag station pa yun, hanggang dito na lang ako e.
so ayun, bumaba kami at nagjeep na lang..
Buendia na kami. buti naalala ko yung mga multicab na nakikita namin nun pag umuuwi kami galing sa Batangas. sa wakas, nakita namin yung mga cab, nakahinga kami ng maluwag. hahaha. "yesss!hindi tayo nawala. makakarating tayo dun."
pagdating dun, syempre kainan agad ang hinanap namin.
at dahil naglinis si bespren at naglaba ng mga damit namin nung araw na yon (tama nga ba?)
ililibre ko sya ng dinner.
hanap kami ng hanap kung saan ba pedeng kumain.
"ayoko na sa mcdo ah." "ayoko din sa jobee." "tokyo na naman? iba na lang." "tara try natin sa gerry's"
"sa wendy's?" "sa BK?"
ilang beses na yata naming naikot yung place ng mga kainan, wala pa din kame mapagdecide- an kung saan.
kaya sige. go na lang sa teriyaki boy. hahaha. sosi yung place. sosi para samen kasi hindi kami sanay sa ganun.hahaha
nagulat kami sa prices ng food, haha. muka kasing di masarap tapos ang mahal naman.
dapat aalis na kame, e nakakahiya naman. kaya ayun. sige order na..
natapos kumain, hindi talaga kami nasatisfy. walang lasa yung inorder ko at hindi masarap yung apple sauce ek ek niya.
ayun. hahaha. full of regrets pero okay na din at leat natry na namin dun, en we swear na hindi na kami uulit pa. haha
pasyal pasyal muna kami after nun.
tapos hinanap namin yung Haagen Dazs store na nakita namin nung naghahanap kami ng kakainan.
buti hindi pa sya sarado nun.haha
mabait si gay2 (bespren ko :) kaya nilibre nya ko ng ice cream :)
firts time namin parehas yun at sana maulit pa. hahaha
so expensive nman kasi niya for an ice cream. hahaha. pero okay lang sulit naman kasi masarap :)
ayan. kamay namin yan. haha. cute no? parehas pa kami ng watch :))
gift niya sakin nung 18th ko :)
ako yung nasa left, halatang ang takaw ko sa ice cream. hahaha
*THANK YOU BESPREN! SA UULITIN! :)*
after kumain, tambay muna sa seaside. sbi namen umaga na kmi uuwi. haha ayun.
at dahil nanghihinayang pa din sya sa kinain namen, sana daw nagpizza na lang kami tapos dun na lang namin kinain sa seaside. hahaha. sabi ko next time na lang namin gawin :))
masaya kami nun. haha. hindi nga lang ganun kadami yung pictures dahil nalowbat yung camera. ampp
sayang.!! pero may nakuha padin naman kaming shots na magaganda :)
naglaro laro din kame dun sa playground. haha. *kids at heart*
hahaha. nahihiya pa kami pumose nung una. madami kasi tao. pero sabi namen, okay lang yun. hindi naman nila kami kilala. haha :)
hahaha.so saya. haha.sana maulit pa ulit. hmm. kahit magiging busy na kami this coming months, sana talaga maulit pa din :))
lies.a.beach at 10:49 AM
summer :)
kamusta naman ang summer mo?
ako okay naman :)) haha
nag- end ng maayos ang summer class ko at satisfied naman ako sa mga grades ko.
haha. ngayon ko na lang nga pala naupdate to panu naman kasi nakalimutan ko na yung ead ko dito.
haha. ang dami ko kasing acct. sa kung saan saang websites. at dahil makakalimutin ako, hindi ko na maalala kung ano ang ead na ginamit ko dito..
anyways, masaya ako at naalala ko na ulit tong ead ko. salamat sa mozilla firefox. hahaha
ayun, so summer ang topic ko di ba.
hay. eto na yata ang pinakamainit na summer na naranasan ko! ampp!
sobrang init talaga. assss innn!
at dahil walang aircon sa apartment, mamatay matay ka sa sobrang inet. promise!
unforgettable tong summer ko :)
kasama ko kase si bespren sa dorm :))
yeeee! first time to na magkasama kami ng matagal. ayun. sobrang bonding with her kasi naman hindi talga kami ngkakasama ng madalas at matagal :)
nagrereview sya for board. ang galing niya no? hahaha. sana ako din makagraduate na :)
sana din makapasa siya. em proud of her! hahaha..
ayan o. ayan kame ni bespren. hahaha. 5 years na kami magbespren nian kaya lang now lang kme ngpicture picture. hindi namin alam kung bakit wala talaga kaming picture together pero bute na lang meron na ngayon.haha..
ayan pa yung ibang happenings nung summer.
as usual, aral pa din. ka- toxic tong summer na to unlike before. haha. so easy lang
pero okay din masaya naman e. hahaha
cge.. next post naa :))
lies.a.beach at 10:03 AM