Tuesday, April 26, 2011
because I said so.
Ewan ko ha. Hindi ko na din naman kasi maintindihan. haha. ika nga, shit happens. and surprisingly, it really does. hahaha. sorry. hindi ko alam paano ko sisimulan to. kamusta na nga ba ako? hindi ko din alam e. alam mo yun, okay naman yata sa ngayo pero hindi ko alam kung paano bukas o sa isang araw.
FCK TALAGA TO. AS IN. buti na lang I still have Him. I know He won't ever fail me.
I'll be seeing good things now. I promise. I be better soon, not for anyone else but for myself.
lies.a.beach at 4:18 AM
Wednesday, March 23, 2011
mahirap din palang maging mabait no?
kasi later in time, baka abusuhin ka.
alam mo yun. hehe. palagi mo na lang kasi inuunawa kaya ayun.
mababaw lang ba talaga ko?
o talagang mali lang yun?
------------------------
bakit ba ganun? ano bang mali sa'kin?
ano ba?
bakit palagi na lang :((
napapagod nako.
napapagod na.
ayoko na ba talaga?
lies.a.beach at 6:38 AM
Saturday, January 15, 2011
eto ang pinakamasakit..
alam ko sa sarili ko na hindi malayong hindi ko na naman maalala o mabanggit
ang pinakapangit na alaala na meron ako.
siguro nga pinanganak akong bitter at insecure.
pero lahat naman yun may pinanggalingan e.
so eto na naman, aalalahanin at ikkwento ko na naman.
minsan gusto ko na lang takasan lahat e.
ayoko nang isipin. alam mo yun? na parang pati sa sarili mo napapagod ka na
wala naman talaga kong napapalang maganda dun e.
wala lang. kapag gusto ko lang siya isipin, iniisip ko siya.sila. lahat
para masaktan ulit. para magselos. para maramdaman na kahit kailan, hindi ako pwedeng
maging kampante, para maalala ko na sa isang pagkakamali, kaya akong iapgpalit..
oo. hindi maganda, pero somehow nakakabuhay din ng loob
yung maisip mo na, "oo nga no, siguro nga mas okay ako kesa sa'kanya"
na minsan pang dadagdagan ng utak ko na, "baka naman wala lang siyang choice nun"
alam ko masakit para sakanyang malaman yung ibang laman ng isip ko.
yung masasabi ko talaga nung nagsisimula pa lang kami, nung nagtapos ng di maganda, at nung nagsimula ulit
hanggang dumating yung ngayon.
.......
pinalaki ako na busog sa pagmamahal at pag-eencourage ng magulang
mahiyaing bata ako kaya siguro wala akong katalent talent (haha)
dati, wala akong lakas ng loob makipag-usap sa iba.
walang lakas magsalita. pero eventually naovercome ko din yun.
to make this short, dumating siya. nawala siya sa'kin.
yeah. that really hurts.
malayo kasi e.
wala daw akong time.
hindi naman niya sinabi na sobra na pala.
na sanay na siya.
walang maayos na usapan.
walang closure.
basta nawala na lang at hindi na ulit nabuksan pa.
masakit. sobra. sobra talaga..
kasi akala mo okay e. tapos yun pala ikaw na lang yung nag-iisip ng ganun
masama ang loob ko. lalo na sa kanya. hindi ko alam
pero sobrang bumaba ang pagmamahal ko sa sarili ko.
isa lang ang tumatak nun sa'kin, i am not worthy enough.
hindi talaga. talagang may mas okay pa sa'kin, mas maganda, mas mabait, yung malambing at kung
anu- ano pa.
.......
bitter ako. pero di ko alam kung hanggang ngayon.
siguro may part pa din.
kasi sa totoo lang, ayokong naririnig yung pangalan niya.
ayokong nakikita siya. kung gusto ko man, gusto ko yung ksama ko xa at makikita niyang masaya xa sa'kin
oo. insecure pa din ako. dahil alam ko naman kung ganu nya kamahal dati yon
........
aftre what happened, natanga na lang ako.
naisip ko,"panu kaya kung magkita kami?"
anung iisipin niya?
na wala pa din akong kwenta?
kasi hindi ko mgawang mapsaya yung tao na yun?
pagtatawanan ba niya ko kasi iisipin niya sigurong niloloko lang ako nung taong gusto din niya dati?
hindi ko alam.
ayoko na siyang makita. maisip.
badtrip. one time, my nkta pa kong taong kamukang kamuka niya.
hay.
ang sama ko talaga :(
lies.a.beach at 9:18 AM
Monday, January 10, 2011
bakit mababa ang sweldo ng mga nurses sa Pilipinas?
wala naman. naisip ko lang.
bakit yung mga artista milyon ang kinikita?
bakit yung mga engineer daan libo ang sweldo?
bakit ang isang kasong napanalo ng isang attorney libu- libo ang reward na pera?
pero bakit ang mga nurses kakaunti ang kita?
bakit? bakit?
hindi naman sa iniisip ko lang e yung pwede kong swelduhin pagdating ng araw
nagtataka lang ako. bakit mas mahalaga pa rin sa'tin ang materyal na bagay kesa kalusugan?
bakit ang mga Pilipino kayang magpatayo ng sobrang lalaking mga mall at pasyalan,
pero kapos na kapos sa mga ospital?
hindi ba pwedeng magpatayo naman si Henry Sy ng isang ospital na kasing laki ng MOA?
o kaya ng Megamall? o kaya ng SM north?
bakit? maraming pasyente ang nangngailangan ng ospital
wala pa sigurong isang oras, andami ng nakapila jan lalu na kung libre ang serbisyo
aminin na natin, mahilig tayo sa libre
lalo na sa panahon ngayon kung saan, ang piso mo ay wala ng mararating
bakit kailangan pang lumala ng sobra ang sakit? kung pwede namang magpatingin na din?
ay alam ko na. mahal kasi ang singil
lilinisin lang ang sugat mo, isang libo na agad ang gastos?
mamamatay na ang pasyente, hindi pa ginagamot
"kailangan niyo muna ho kasing bayaran ang mga ito bago namin kunin ang mga gamot."
para sa'kin di na rin uso yung sinasabi ng iba na kung gusto mo daw maglingkod,
gagawin mo kahit walang perang kapalit.
bakit? pwede pa ba yan sa panahon ngayon?
kung noon sana, oo.
yung mga panahon na tumingin ka lang sa bakuran, may uulamin ka na
yung mga panahon na, kahit maglakad ka lang papauntang trabho at pauwi ng bahay pwede pa
yung mga panahon na ang piso ay malaking kayamanan pa.
bakit kasi ang unfair?
hindi biro ang pinagdadaanan ng mga nurses.
estudyante ka pa lang, ramdam mo na ang sakit na nararamdaman ng iba
estudyante ka palang, ramdam mo na ang kakulangan ng halos lahat yata ng bagay
estudyante ka pa lang, ramdam mo na ang pagkabutas ng bulsa dahil sa kung anu- anong requirements
dadating din kaya ang panahon na tataas pa ang sweldo ng mga nurses dito sa pilipinas?
kailangn pa bang umalis ang lahat ng mga ito para lamang madinig ang kanya-kaniyang hinaing?
kaya hindi ako magtataka, dadating ang araw na ang Pilipinas ay punung- puno na ng mga artista.
hahahhahahahahahahahaha
lies.a.beach at 7:01 AM
Saturday, January 8, 2011
heyaaa :))
i have lots of kwento :) wait till i get sipag. hahahaha
mwuaaaah.. :DD
lies.a.beach at 4:01 AM
Saturday, October 30, 2010
:)) trueeee...
http://www.wordofmouthexperiment.com/dedpyhto/tests/tibetian/index.htmlies.a.beach at 7:51 AM
Monday, October 18, 2010
hey. hey. hey :))
i have nothing to say. hahaha.
i just can't understand why am i always looking at her fb page though she's not in my friend's list naman.
and there's really no way para mkta yung mga updates abt her.
uggggh. muntanga na naman lyrra.
hahahah. well. ewan ko. i just can't help it lang :)
hahahaha. jealous still?? uugggghhh. at times. pag sumasabog ang emotions ko at ngfflashback ang lahat.
goodness gracious! awwwwwwwe!
lies.a.beach at 8:20 AM